Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Israeli President Isaac Herzog dahil sa pinapanatiling ligtas ang mga kalagayan ng mga Filipino na nasa Israel.
Isinagawa ng Pangulo ang pasasalamat sa ginanap na pag-uusap ng dalawa sa telepono sa loob ng Malacañang Palace.
Ayon pangulo na nananatili ang Israel na isa sa mga pinagkakatiwalaang bilateral partners sa Middle East.
Dagdag pa nito na kahit na mayroong mataas na tensiyon sa Israel dahil sa pakikipaglaban nila sa Hezbollah at Hamas ay tinitiyak nilang ligtas ang mga Pinoy doon.
Magugunitang kabilang ang Pilipinas sa bumoto sa United Nations General Assembly resolution na humihiling ng ceasefire sa Gaza para makapasok ang humanitarian aid at matulungan ang mga naipit sa nasabing lugar.