-- Advertisements --

Binigyan ng pagpapahalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang magaganap na kauna-unahang BARMM elections sa Mayo 2025 sa BARMM Mayors Conference noong June 24, 2024 na ginanap sa Diamond Hotel, Manila.

Pinahayag ng Pangulo ang sama-samang pagsulong sa maayos na pag uusap sa bawat partido, magkaroon ng Voter’s education, patas at mapayapang halalan.

Samantala,siniguro ng Pangulo ang buong suporta ng National Government sa patuloy na kaunlaran at Kapayapaan sa Bangsamoro.