-- Advertisements --

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes at ilang opisyal ng gabinete nito para talakayin ang update sa Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) sa Metro Manila at kalapit na lugar.

Ayon sa Presidential Communications Office, isinagawa ang pagpupulong sa Malacañan Palace nitong araw ng Martes.

Kasama sa pulong sina Interiror Secretary Jonvic Remulla, Transportation Secetary Jaime Bautista, Executive Secretary Lucas Bersamin at Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ginawa ang CTMP para magkaroon ng sustainable mobility system at makataong paraan sa pag-implementa ng epektibong traffic management.