-- Advertisements --

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos ang naging desisyon ni US President Joe Biden na umatras na lamang ito sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Sinabi nito na ang hakbang ni Biden ay isang pagpapakita ng ‘geniune statesmanship”.

Binati na lamang nito ang US President sa kanyang anumang plano at desisyon sa natitirang panahon ng kaniyang termino.

Pinasalamatan na lamang ni Marcos si Biden dahil sa walang humpay na tulong nito sa bansa.

Magugunitang nagpasya si Biden na umatras na lamang as pagtakbo sa pagkapangulo matapos ang dumaraming kaalyado nitong nananawagan na umatras na dahil sa pagkabahala nila sa kaniyang kalusugan.