Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa tuluyang maging batas ang panukalang nagpapaliban sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kinumpirma ni Commission on Election (Comelec) chairman George Garcia ang nasabing pagpirma ng pangulo para ipagpaliban ang BARMM elections na isasagawa sana sa Oktubre 13, 2025.
Dagdag pa ni Garcia na ang sinertipikahan pa ng pangulo na magiging urgent ang nasabing batas.
Una ng sinabi ni Garcia na para maisagawa ang halalan sa BARMM ay mangangailangan ng P2.5-B na budget dahil ito ay magiging automated na rin.
Nais din nila malaman ang distribution ng pito na parliamentary seat na dati ay nasa Sulu at kung magbubukas sila ng paghahain ng certificate of candidacy sa buong Bangsamoro o sa mga naapektuhan lamang sa distribusyon ng pitong upuan.