-- Advertisements --
Inamin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na na-pressure si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa presensiya ng mga otoridad sa kaniyang pinagtataguan.
Dahil dito napilitan si Quiboloy na sumuko, subalit hiniling nito na mga sundalo mula sa ISAFP ang kukuha sa kaniya dahil wala siyang tiwala sa mga kapulisan.
Ayon kay Pang. Marcos, updated siya sa kaganapan kay Quiboloy kaya pumayag siya na sundalo ang kukuha rito.
Siniguro ng presidente na walang special treatment sa KOJC leader.
Tinanong din sa pangulo kung mayroon nang request ang US para sa extradition ni Quiboloy.
Ayon sa Presidente sa ngayon hindi pa prayoridad ang extradition ni Quiboloy.
Giit niya, tututukan muna ang mga kasong kinakaharap ng pastor sa ating bansa.