Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na may ulong gugulong sa pagtulong para makalabas sa bansa ang pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Sinabi nito na ang insidente ay nagpapakita ng kurapsyon sa justice system na siyang magpapahina ng tiwala ng publiko.
Giit pa ng pangulo na kaniyang isasapubliko ang sinumang indibidwal na nasa likod ng pagpapalabas sa bansa kay Guo.
Dagdag pa ng pangulo na umuusad na ang imbestigasyon ang sinumang napatunayan na nasa likod ng insidente ay kaniyang papanagutin sa batas.
Walang puwang aniya sa gobyerno ang sinumang opisyal na inuuna ang personal na interest kaysa pagsilbi sa publiko.
Reaksyon ito ng Pangulo sa napabalitang umalis na sa bansa si Guo kahit na may kinakaharap itong kaso na nauugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operatioin.