Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kayang magtagumpay ang lahat ng mga atletang Pinoy na sasabak sa Paris Olympics.
Sa isinagawang send-off ceremony ng mga atletang sasabak sa Paris Olympics ay sinabi niya na ngayon pa lamang ay masaya na ang bansa dahil may magtatayo ng watawat ng Pilipinas.
Iginiit nito na may malaking programa ang gobyerno para sa mga atleta para lalo pa silang magtagumpay sa mga international competitions gaya ng Olympics.
Magtutungo na kasi sa Metz, France ang mga atleta eksakto 35 araw bago ang pormal na pagsisimula ng Olympics.
Magsasanay ang mga atleta ng ilang linggo sa Metz para makabisado na nila ang klima ng nasabing bansa.
Magugunitang nasa 15 mga atleta na ang ipapadala ng bansa na kinabibilangan nian EJ Obiena sa atletics, boxer Eumir Marcial, Aleah Finegan, Levi Ruivivar, at Emma Malabuyo sa gymnastics, at Samantha Catantan sa fencing, Vanessa Sarno, Elreen Ando, at John Ceniza sa weightlifting, Hergie Bacyadan at Aira Villegas sa boxing, Joanie Delgaco ng rowing at Carlos Yulo.