-- Advertisements --

Dadalhin sa Walter Reed National Military Medical Center si US President Donald Trump para doon magpagaling mula sa coronavirus disease.

Magugunita kahapon nang kumpirmahin mismo ng American president na nagpositibo siya at ang kaniyang asawa na si Melania sa deadly virus.

Ayon kay White House press secretary Kayleigh McEnany, sa kabila ng nararamdamang sintomas ay nananatili pa ring kumpyansa ang Republican president na malalagpasan nito ang kaniyang kalagayan.

Ipagpapatuloy naman ni Trump ang kaniyang mga tungkulin sa presidential offices sa Walter Reed.

Ang presidential offices sa nasabing ospital ay mayroong suite rooms, conference room at hospital bedroom.