-- Advertisements --

Positibo si Davao City Mayor Sara Duterte na ang pagkakatalaga ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ang magpapabuti sa kanilang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Mayor Duterte, sana raw ay magbunga ito ng magagandang mga proyekto at programa para sa laban kontra iligal na droga.

Nitong nakaraang linggo nang italaga si Robredo bilang co-chair ng ICAD, ang inter-agency body na binuo noong 2017 upang pangasiwaan ang war on drugs ng gobyerno.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng pangalawang pangulo ang mga detalye at magiging saklaw ng kanyang panibagong trabaho.