GENERAL SANTOS CITY – Nagpalabas na ng ultimatum si Indonesian President Joko Widodo para wakasan ang alitan ng Arema FC at Persebaya Surabaya matapos pumagitna ang opisyal.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ed Fuentes Filipino Community Head sa Surabaya Indonesia na binisita ni Widodo ang mga pagamutan na pinagdalhan ng mga biktima at duon sinabi na hindi na ito mauulit pa.
Nalaman na nuon pa man may mga riot ng nangyari lalo na kung magkaharap ang dalawang magkaribal na team.
Pagtaya umano ni Widodo na posebling madagdagan pa ang 174 na namatay dahil sa dami ng mga biktima.
Ayon kay Fuentes walang Pinoy na nadamay sa gulo dahil malayo ang mga pamamahay mula sa pinangyarihan sa insidente.
Nangyari ang gulo ng masilat ng Persebaya Surabaya ang kalaban na Aremia Fc sa score na 3-2 at duon pumasok sa pitch sa Malang stadium ang mga suporter ng Aremia at nagka riot .
Nagyari ang stampede ng nagsimulang magpaputok ng tear gas ang Pulisya kayat nagtakbuhan ang mga biktima at dahil sa liit ng lugar duon nagka stampede.
Sa Malang makikita ang mga pamamahay na ginagamit nuon ng mga Dutch people kayat dinarayu ito ng mga turista.