-- Advertisements --

Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na ito ay nakatuon sa pagpapaganda ng relasyon sa Pilipinas para makamit ang “greater win-win results”.

Sa kaniyang sulat kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng Chinese president na naging mabuting magkapitbahay ang China at Pilipinas.

Mula pa noon aniya ay nagtutulungan ang dalawang bansa para mapanatili ang malusog at payapang relasyon na nakakabuti sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Isinagawa ni Xi ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng ika-46 anibersaryo ng Philippine-China diplomatic relations.