-- Advertisements --
DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Maituturing umanong national security risk ang presensiya ng dalawang Chinese vessel sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng walang pahintulot ng gobyerno ng Pilipinas.

Ito ang muling paghahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Aminado si Lorenzana na kulang ang kagamitan at pasilidad ang bansa para i-monitor ang malaking bahagi ng karagatan sa eastern seaboard ng bansa lalo na ang umanoy presensiya ng dalawang barko ng China na naglalayag sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Batay sa ulat dalawang Chinese ships ang nagsasagawa umano ng marine research sa loob ng EEZ ng Pilipinas.

Sinabi ng kalihim na hindi nila ito makumpirma dahil walang radar equipment para i-monitor ang mga ito sa lugar.

Kabilang na rito ang radar para ma-monitor ang pumapasok na barko sa West Philippine Sea na nakaharap sa Pacific Ocean.

Hindi katulad ng US na may sapat na kakahayan, gamit ang kanilang satellite.

Ayon kay Lorenzana, tatanungin nila ang Chinese embassy kung ano ang ginagawa ng kanilang barko sa EEZ ng bansa ng walang pahintulot sa pamahalaan.

“As far as Im concerned, I’ve talk to Sec Esperon there were no info regarding their visit to our EEZ,” ani Lorenzana.

Giit ni Lorenzana hindi naman hinahadlangan ng bansa sakaling nagsasagawa sila ng marine scientific research, pero mahalagang ipinagbibigay alam ng China sa ating gobyerno ang kanilang isinasagawang aktibidad, gayung isa rin sila sa limang claimants country sa ilang isla sa West Philippine Sea.