-- Advertisements --
Ibinunyag ng Armed Forces Forces of the Philippines (AFP) na nagiging hadlang ngayon sa planong modernization plan sa Pagasa Island ang presensiya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Ayon kay M/Gen. Felimon Santos Jr., AFP deputy chief of staff for intelligence na lalo pang pinalakas ngayon ng China ang kanilang presensiya.
Ibinunyag ni Santos na sa ngayon marami ng mga fishing vessels ng China ang aaligid partikular sa may bahagi ng Scarborough shoal at Subi reef na katabi lamang ito ng Pagasa Island.
Una ng ibinunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nasa P1.7 billion ang inilaan na pondo ng pamahalaan para sa modernization plan ng Pagasa Island.