Hindi na nararamdaman ng militar sa Western Mindanao ang presensiya ng mga banyagang terorista na nakapasok sa bansa.
Maging ang mga kasabwat nilang local terrorist group ay humihina na rin.
Ayon Western Mindanao Command (Wesmincom) Chief Lt.Gen. Cirilito Sobejana,hindi nagpapakampante ang militar dahil anumang oras o panahon maaaring maglunsad ang mga ito ang kanilang terroristic activities.
Kahit hindi na ngayon nararamdaman ang presensiya ng mga terorista at walang makitang traces sa mga ito, nakatutok pa rin ang militar para matiyak hindi sila malusutan sa masamang plano ng mga terorista.
Kinumpirma ni Sobejana, walong foreign terrorists ang positibong na identify ng militar habang 59 naman ang nasa kanilang watchlist.
Nilinaw ng heneral na ang 59 ay hindi pa verified at hindi pa rin sigurado ang AFP kung affiliated ang mga ito sa ISIS inspired terror group.
Naniniwala si Sobejana ngayong may ngipin na ang batas para labanan ang terorismo, mapapanagot na nila ang mga teroristang nais maghasik na karahasan sa bansa.