Dinagdagan pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang presensiya sa Sabina Shoal sa bahagi ng West Philippines Sea (WPS) kasunod ng nadiskubring nakatambak na mga durog na coral reef.
Ito ay kasunod sa presensiya ng mga Chinese vessels sa lugar.
Ayon kay Philippine Navy Spokesman for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad layon ng pagdagdag ng kanilang presensiya sa Sabina Shoal ay upang masiguro na walang man made activity na nagaganap sa shoal.
Nilinaw din ni Trinidad, na walang nangyaring standoff sa lugar, nakabantay at nagmo-monitor ang militar sa lugar.
Kinumpirma din ni Trinidad na naka deploy sa lugar ang monster ship ng China kaya binabantayan din ito ng Philippine Navy.
Itinanggi naman ni Trinidad na ang Sabina Shoal ang bagong flashpoint sa West Philippine dispute.
Ayon sa opisyal ang flashpoint sa WPS dispute ay ang iligal, coercive,agressive at deceptive actions ng China na ngayon ay sentro sa bilateral consultative meeting ng DFA at Chinese Foreign ministry.
Namonitor din ng AFP ang presensiya ng Chinese survey vessel ang San Hao sa Sabina Shoal sa nakalipas na 10 araw.
Ang nasabing Chinese survey vessel paiko-ikot umano sa Sabina shoal.