Hindi bababa sa 30 na mga Chinese Maritime Militia Vessels ang muling namataan na naglalayag sa may bahagi ng Rozul Reef sa West Philippine Sea.
Ito ay batay sa inilabas na satellite images na siya namang ibinahagi sa social media ng isang security analyst na si Ray Powell.
Kaugnay nito ay kinumpirma ng Philippine Coast Guard ang dumaraming bilang ng mga Chinese Vessel sa pinag aagawang karagatan.
Ang Rozul reef ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na matatagpuan sa south ng Reed Bank.
Dito unang napaulat ang malaking bilang ng mga bahura na nasira na at halos umabot na 100% ang patay na korales.
Ayon sa PCG, bagamat ni radio challenge nila gamit ang BRP Datu Pagbuaya ang namataang militia vessel ay wala itong naging tugon
Ang naturang mga militia Vessels ay hindi umano nangingisda sa natirang lugar batay sa monitoring ng Philippine Navy at PCG.