Ipinaliwanag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang dahilan kung bakit may presenya ng pwersa ng Estados Unidos sa binuong Task Force Ayungin.
Ayon sa AFP, nagbibigay lamang ang mga ito ng technical assistance sa mga sundalo ng bansa na naka deploy rin sa naturang karagatan.
Ginawa ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang pahayag matapos ang naging kumpirmasyon ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na may presensya ng mga sundalo ng US sa nasabing shoal.
Iginiit naman ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad na ang mga tropa ng US ay nagbibigay ito ng information-sharing sa Command and Control Fusion Center.
Punto pa ni Trinidad, makatutulong ito sa maritime domain awareness ng bansa na siya namang magagamit upang makapagsagawa ng plano para sa mga programa at mga aktibidad sa pagprotekta sa interes ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.