Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-6 sa mga mamamayan na patuloy pa rin ang presensya ng red tide sa walong coastal areas ng Panay Island.
Dahil dito ay naglabas ang ahensya ng Shellfish Bulletin No. 27 na nagbabawal sa publiko sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang dahil hindi ito ligtas para kainin ng tao.
Ang Capiz ang may pinakamaraming bilang ng mga coastal areas na nagpositibo sa red tide; kabilang na rito ang Roxas City, Panay, Pilar, Ivisan, President Roxas, at Sapian.
Sa Iloilo, nagpositibo rin sa red tide ang tubig ng Gigantes Island sa bayan ng Carles.
Ayon sa BFAR, mahigpit na pinapayuhan ang publiko na huminto sa pagkain, pangangalap, o pag-aani, pagdadala, at pagbebenta ng lahat ng uri ng shellfish at hipon na lokal na kilala bilang alamang o hipon.
Ligtas namang kainin ang isda, pusit, at hipon, basta’t sariwa at hugasan ng maigi at ang mga laman-loob tulad ng hasang at bituka, ay tinanggal bago lutuin.