-- Advertisements --

Ibinunyag ng lider ng Taiwan na lumalaki araw-araw ang banta sa kanila mula sa Beijing.

Kinumpirma rin sa unang pagkakataon ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang presensiya ng American troops sa teritoryo ng Taiwan.

Taiwan President Tsai Ing wen
Taiwan President Tsai Ing-wen

Layon daw ng mga ito ay upang protektahan ang demokrasya ng 23 million katao at tiyakin na tinatamasa ng mga ito ang kalayaang nararapat sa kanila.

Ang Taiwan ay matatagpuan 200 kilometro (124 milya) ang layo mula sa timog-silangang baybayin ng China.

Ito raw ang tinawag na “beacon” ng demokrasya na kailangang ipagtanggol upang itaguyod ang pananampalataya sa buong mundo sa mga democratic values.

Aniya, kapag mabigo siyang protektahan ang Taiwan, ibig sabihin, ang mga taong naniniwala sa mga pagpapahalagang ito ay magdududa kung ito ba ay mga pagpapahalaga na dapat nilang ipaglalaban.

Kung maalala, ang Taiwan at mainland China ay hiwalay na pinamamahalaan mula nang umatras ang mga nasyonalista sa Taiwan sa pagtatapos ng digmaang sibil ng Tsina mahigit 70 taon na ang nakararaan.

Ang Taiwan ay isa na ngayong umuunlad na demokrasya ngunit ang naghaharing Chinese Communist Party (CCP) ng mainland ay patuloy na tinitingnan ang isla bilang isang hindi mapaghihiwalay na bahagi ng teritoryo nito – sa kabila ng hindi pa ito kontrolado.

Nauna nang nangako si US Pres. Joe Biden na hindi pababayaan ang Taiwan kapag aatakehin ng China.

Nagsimula ang tension nitong buwan ng magpalipad ang Beijing ng nasa 150 fighter jets, nuclear-capable bombers, anti-submarine aircraft and airborne early warning at control planes, sa Taiwan’s Air Defense Identification Zone. (with reports from Bombo Jane Buna)