-- Advertisements --
Duterte with MPC
President Rodrigo Roa Duterte

Nakatakdang bumiyahe ngayong araw sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para saksihan ang koronasyon ni Prince Naruhito.

Sinabi ni Senator Bong Go, na personal ito ng inimbitahan ng Japanese Government sa nasabing okasyon.

Una nang sinabi ng Malacañang na baka hindi makadalo ang Pangulo dahil masyadong abala.

Sa Oktubre 22, araw ng Martes ang koronasyon kay Naruhito na dadaluhan din ng may halos 200 mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga bansa.