-- Advertisements --

Pinayuhan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na maging transparent sa kasalukuyang problema na kinaharap ng gobyerno ng Pilipinas partikular na sa pamamahala ng fiscal space ng bansa bilang mga Pilipino na patuloy na nagdurusa sa magkasunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Binigyang-diin ni Drilon ang malubhang mga problemang pang-ekonomiya na kakaharapin ng Pilipinas sa susunod na ilang taon.

Binanggit nito ang kakulangan sa budget dulot ng pangungutang ng bansa dahil sa maling pamamahala sa pandemya ng COVID-19.

Kaya naman, naging maliit ang fiscal space at apektado ito ng pagbabayad ng interes ng utang sa ibang bansa.

Magugunitang sa katapusan ng buwan ng Abril, nasa P12.763 trillion ang outstanding debt ng pamahalaan.

Bukod sa obligasyon ng gobyerno na bayaran ang mga utang sa ibang bansa, kailangan ding ipatupad ng gobyerno ang Mandanas ruling ng Korte Suprema.

Ang tinatawag na Mandanas ruling ay nagpapalawak ng internal revenue allotment share ng LGUs sa lahat ng pambansang buwis kabilang ang mga kinokolekta ng Bureau of Customs.

Top