Hiniling ni President-elect Ferdinand Marcos Jr sa Korte Suprema na idismiss ang petisyon na inihain laban sa kaniya para sa kaniyang disqualification.
Sa isinumiteng kasagutan ni Marcos sa SC na inihain ng kaniyang abogado na si Atty. Estelito Mendoza, sinabi nito dapat na idismiss ang petisyon laban sa kaniya na inihain ng grupo na pinangungunahan ni Fr. Christian Buenafe dahil sa kawalan umano ng hurisdiksyon at merito.
Ipinunto din ni Marcos na matapos ang kaniyang proklamasyon tanging ang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang maaaring kumwestyon sa kaniyang eligibility na binubuo ng lahat ng 15 miyembro ng korte.
Sinabi din nito sa SC na ang pagkansela sa kaniyang certificate of candidacy para sa anumang rason ay maituturing na imaginary misrepresentation na makakasira sa ultimate indignity ng kalooban ng mamamayang Pilipino, sa demokrasiya ng bansa at complete negation ng republicanism ng ating gobyerno.
Maalala na dalawang petisyon ang inihain sa SC para sa DQ ni Marcos na parehong umaapela para sa temporary restraining order (TRO) sa vote canvassing para sa pangulo at pumipigil sa proklamasyon ni Marcos.
Tanging ang unang petisyon na inihain ni Fr Buenafe ang inaksyunan ng SC kung saan ni-require ang mga respondents kabilang si Marcos, ang Comlec at Congress na mag-file ng kanilang komento sa parehong petisyon at plea para sa TRO.
-- Advertisements --