-- Advertisements --

Inatasan ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si incoming DepEd secretary at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na i-review ang implementasyon ng kontrobersiyal na K-12 education system sa bansa.

Ayon kay VP Sara, kailangan na mapag-usapan muna ang panukalang buwagin ang K-12 education system dahil isa itong isyu na hindi dapat pinagdedesisyunan ng mabilisan.

Noong 2020, inihayag ni ACT Teachers Representative France Castro na isang failure ang K-12 congested curriculum kung saan nagresulta umano ito sa mga Grade 4 students sa bansa na makapagtala ng pinakamababang puntos mula sa mga paticipants sa 58 bansa sa Trends in International Mathematics at Science Study 2019.

Kabilang sa nagsusulong na buwagin na ang K-12 program ay ang grupong Kabataan partylist.

Samantala, itinanggi naman ng kampo ni VP Sara ang umano’y planong pagsusulong ng K14+ basic education program ng incoming DepEd chief.