-- Advertisements --

Umalis na ng Afghanistan si President Ashraf Ghani matapos na makapasok na sa kanilang capital city na Kabul ang Taliban militants.

afghanistan

Bagama’t hindi pa kinukumpirma ng Afghan government, sinabi naman ng dalawa sa senior commanders ng Taliban sa Kabul na napasok na ng kanilang puwersa ang presidential palace at kasalukuyang hawak na ang kontrol dito.

Hindi naman tukoy pa sa ngayon kung saan nagpunta si Ghani dahil ayon sa isang senior Interior Ministry official nasa Tajikistan daw ito, pero ayon naman sa isang Foreign Ministry official unkown pa ang lokasyon nito.

Nag-post pa ng kanyang mensahe sa Facebook si Ghani pero hindi niya sinabi kung saan sya magtatago.

Mariing binatikos naman ng ilang social media users ang paglisan ni Ghani sa bansa at iniwan ang mga mamamayan nito.

Anila, bahag ang buntot ng presidente dahil iniwan nito ang kanyang mga mamamayan sa gitna ng kaguluhan.