-- Advertisements --
PBBM 2

Nakaamba pa ang dalawang aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago ito uluyang tumulak patungong Cambodia para sa magiging partisipasyon nito sa ASEAN Summit.

Base sa schedule ng Punong Ehekutibo, unang activity nito ay ang gagawin nitong pakikipagpulong sa mga taga-Department of Energy.

Pagkatapos nito ay haharapin naman ng Presidente ang mga taga-Philippine Practical Shooting Association para sa isang courtesy call.

At pagkaraan ng dalawang aktibidad na ito ng Pangulo ay maghahanda naman ito para sa kanyang paggayak papuntang Phnom Penh, Cambodia para sa kanyang gagawing partisipasyon sa 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits.