Muling ipatatawag ng mga tagausig si President Yoon Suk Yeol matapos nitong isnabin ang unang summon na dumalo sa imbestigasyon.
Pinadalhan ng summon si President Yoon noong nakaraang Miyerkules upang dumalo sa Seoul Central District Prosecutors Office nitong Linggo para kwestyunin ang kanyang kontrobersyal na pagtatangka na magdeklara ng martial law.
Ngunit hindi ito sumipot.
Kaya naman plano ng mga tagausig na ipadala ang kanilang pangalawang panawagan kay Yoon sa Lunes.
Kaugnay nito, sinabi ng isang opisyal ng prosecution na ipinadala nila ang summon sa opisina ni Yoon ngunit tumanggi ito na kumpirmahin kung nagbigay ang pangulo ng anumang pagpapaliwanag ng kanyang hindi pagsipot sa Prosecutors Office.
Inakusahan si Yoon ng pag-abuso sa kanyang kapangyarihan na magdeklara ng martial law na unconstitutional at unlawful gayundin na utusan ang mga military commander na magpadala ng mga tropa sa National Assembly.
Ang suspendidong presidente ay pinatawan din ng travel ban.
Na-impeach si Yoon sa pamamagitan ng isang parliamentary vote noong Sabado, 11 araw matapos nitong magdeklara ng martial law ngunit ni-reject ng National Assembly.