Dinepensahan ni Ecuadoran President Lenin Moreno ang desisyon nito na baliktarin ang asylum status ni Julian Assange, founder ng WikiLeaks, dahil sa di-umano’y pagtatangka nitong magtayo ng “centre for spying” sa London embassy ng Ecuador.
Ikinalungkot umano ni Moreno na nagmula mismo sa kanilang teritoryo at binigyan pa ng permiso ng mga otoridad ng dating gobyerno na magkaroon ng facilities sa Ecuadoran embassy ng London upang makialam sa proseso ng iba pang estado.
Aniya hindi nila maaaring maging sentro ng mga espiya ang kanilang bansa at ang desisyon nila ay hindi arbitrary ngunit base sa international law.
Nasa kustodiya ng London ngayon ang founder ng WikiLeaks at hinihintay na masentensyahan dahil sa paglabag nito sa kanyang British bail condition noong 2012
Una ng sinabi ng abogado ni Assange na makikipagtulungan ito sa Swedish authorities kung sakaling muli nilang bubuksan ang rape case laban dito ngunit hindi pa rin daw ito papayag na dalhin ito pabalik ng Estados Unidos.