Dinipensahan naman ng presidente ng Government Service Insurance System (GSIS) ang isinusulong na Maharlika wealth fund dahil ngayon aniya ang panahon para mamuhunan at makalikom ng karagdagang pondo para sa mga benepisyo ng mga miyembro.
Paliwanag ni GSIS) president at general manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso na mayroong angkop na safeguards ang naturang panukala at kailangan ang dagdag na pondo para makapagbigay ng dagdag na mga benepisyo sa kanilang mga miyembro.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 656 at sa inamyendahang Presidential decree 245, mandato ng GSIS na tiyakin na lahat ng properties, assets at interes ng gobyerno mula sa insurable risk.
Ginawaa ni Veloso ang naturang pahayag kasunod ng inihaing panukala ng mga mambabatas mula sa Kamara de Representantes para sa pagbuo ng Maharlika Wealth fund na naglalayong payagan ang gobyerno na mamuhunan sa surplus reserves o revenues sa real estate at financial assets.
Sa ilalim ng naturang proposal, papayagang mag-invest ng kanilang pondo para sa mas mataas na balik na revenues ang government financial institutions (GFIs) gaya ng GSIS, Social Security System (SSS), the Land Bank of the Philippines (LandBank), at Development Bank of the Philippines (DBP).
Saad pa ni Veloso na titiyakin umano ng naturang panukala ang tran sparency ng board of advisers sa pamamagitan ng posibleng pagsama sa mga miyembro mula sa pribadong sektor gaya ng Philippine Stock Exchange (PSE) and the Bankers Association of the Philippines (BAP).
Aniya ang pag-invest sa kasalukuyang kalagayan ng merkado ay mas beneficial para sa bansa dahil matitiyak ang mas mataas na balik nito.