Bacolod City – Ginarantiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang safety o seguridad ng mga residente sa bayan ng Moises Padilla sa araw ng eleksyon.
Sa pagbisita Pangulong Duterte sa Moises Padilla , hindi ito nagbigay ng speech o interview sa mga miyembro ng media ngunit sa pamamagitan kay Vice Mayor Ella Celestina Garcia-Yulo na kanyang kinausap sa Moises Padilla Elementary School, tinitiyak ni Duterte ang safety ng mga residente sa araw ng Lunes.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Yulo, inihayag nito na mapayapa ang kanyang kababayan na magboto dahil ayon sa chief executive, “the voice of the people is the voice of God”.
Ayon kay Yulo, tinitiyak ni Duterte na walang harassment at intimidation na mangyayari sa Mayo 13.
Dahil dito, nanawagan ang bise alkalde sa kanyang kababayan na lumabas at magboto dahil hindi mangingibabaw ang kademonyohan ng tinutukoy niyang si Mayor Magdaleno “Magsie” Peña.
Ngunit ng kinunan si Peña ng reaksyon, tinawanan na lamang nito ang akusasyon ni Yulo na kanya rin lang namang pamangkin.
Ayon kay Peña, ito ang iniisip ng indibidwal na gumagamit ng iligal na droga.