Matapang na tumugon ang mga presidentiables sa katanungan kung dapat bang manatili ang political dynasties sa bansa sa second round Pilipinas Debates 2022: The Turning Point na in-organisa ng Commission on Elections (Comelec).
Dito ay diretsahan na sinagot ng mga kandidato na hindi sila pabor na panatilihin pa ang potical dynasties sa bansa.
Ipinahayag ni Senator Manny Pacquiao na pabor siya dito ngunit itinurong pinakaproblema ay ang pagsasamantala ng ilang mga pulitikong nagkaisang iboto ng taumbayan sa ilalim ng isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas sa kanilang mga kapangyarihan.
Hindi naman daw kasi lahat ay nagnanakaw sa gobyerno, tulad ng mga pamilyang nagserbisyo ng tapat, malaki ang nagawang pagbabago sa kanilang lugar, at tumutulong sa taumbayan.
Ayon kay Pacquiao, maituturing na “unfair” ito sa mga pamilyang tapat at dedikadong magsilbi sa bayan.
Paliwanag niya, ang pagbabawal sa political dynasty ay tila pag-aalis sa karapatan ng bawat isa na tumakbo na siya namang nakasaad sa konstitusyon.
Sinagot naman ito ni Doctor Jose Montemayor Jr. kasabay ng pagbibigay-diin na bawal ang political dynasties sa batas anuman ang dahilan nito.
Ayon naman kay businessman Faisal Mangondato, dapat lamang na walang political dynasties sa bansa upang hindi na namomonopoliya pa ang ating pulitika.
Samantala, sinabi ni former Presidential spokesman Ernesto Abella na naniniwala siya na sa halip ay dapat na mas paigtingin pa ang political parties dahil ito ay issue based at hindi personality-centered tulad ng political dynasty.
Hindi naman importante para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson kung gusto ba ng bawat isa o hindi ang political dynasty dahil maliwanag ito na nakasaad sa Konstitusyon na mahigpit itong ipinagbabawal.
Enabling law aniya ang kinakailangan upang mabigyang linaw ang degree ng relasyon ang ipagbabawal kung magkaroon man ng batas ang political dynasty.