Naniniwala si Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez Jr na malaki ang nagawa ng Administrasyong Marcos ngayong taon upang matuludukan na ang mga armed conflict sa bansa.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, maraming mga ‘major milestone’ na nagawa ng kasalukuyang administrasyon ngayong taon.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
1. Pagpasa ng Bangsamoro Parliament sa lima mula sa pito nitong priority laws na kinabibilangan ng Administrative Code, Civil Sevice Code, Electoral Code, Local Government Code, at Education Code.
2. Ang pagkakapirma sa Oslo Joint Communique noong November 23, 2023 sa Oslo, Norway. Ang naturang hakbang aniya ay bahagi ng pagnanais ng pamahalaan na matuldukan na ang mga kaguluhan at magkaroon na ng transformation sa CPP-NPA-NDFP.
3. Amnesty program ng pamahalaan para sa mga dating rebelde.
Ayon kay Galvez, ilan lamang ang mga ito sa nagawa ng Administrasyong Marcos ngayong taon, para matuldukan ang kaguluhan sa ibat ibang panig ng bansa na dulot ng mga armadong pakikibaka.