-- Advertisements --

Tuluyan nang binuwag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang Presidential anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Cabinet Secretary.

Sa inilabas na Executive Order No. 1 ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paglilipat ng kapangyarihan at trabaho ng PACC sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.

Nilinaw naman sa EO na itutuloy pa rin ng Malacañang ang mga kasong hinawakan ng PACC.

Maliban sa PACC, binuwag na rin ang Office of the Cabinet Secretary at lahat ng trabaho nito ay ilalagay sa direct control at supervision ng Presidential Management Staff (PMS).

Pinatitiyak naman ng pangulo na lahat ng mga maaapektuhan personnel sa abolition ng naturang mga opisina ay mabibigyan ng kaukulang benipisyo alinsunod sa ipinag-uutos ng batas.

Samantala sa hiwalay na Executive Order No. 2 ipinag-utos naman ni Marcos na ire-organize at palitan ng pangalan ang Presidential Communication Operations Office patungong Office of the Press Secretary subalit pareho pa rin ang magiging trabaho nito.