Kaagad humingi ng paumanhin si Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez matapos mag post ng fakenews kaugnay sa umanoy pagdeklara ng half day na psok bukas, December 22,2023.
Pinost kasi ni Chavez sa kaniyang social media account ang isang pelenh proklamasyon.
Sa kaniyang mensahe sa social media, inamin nito na nag post siya nh conte na hindi verified.
Dahil dito inako ni Chavez ang responsibilidad at sinabing siya dapat ang sisihin kaugnay sa nilikha nitong kalituhan sa publiko.
Bukod sa mga news outlet na nagpost ng pekeng circular, ilang mga local government units naman ang nag share sa kanilang mga social media accounts.
“ Apologies. I also posted a content that was not first verified by me. For the confusion it has created, the blame fall on me. I take full responsibility for this oversight. As a former newsman who has been a stickler for fact-checking, this one evaded me,” pahayag ni Chavez.