Tinawag na “destroyer of peace” at mapangahas ng gobyerno ng China si Taiwanese presidential candidate Lai Ching-te matapos nitong talakayin ang soberanya at kalayaan ng Taiwan mula sa China, sa isang presidential debate.
Si Lai ang nakaupong bise presidente ng naturang bansa, at kasalukuyang nangunguna sa opinion polls para sa pagkapangulo sa darating na eleksyon sa Taiwan.
Itinuturing ang kandidato para sa pagkapangululo ng Democratic Party (DPP) na “dangerous seperatist,” dahil sa adhikain nito na ihiwalay ang Taiwan sa pamumuno ng China.
Nagdudulot umano ng tensyon sa relasyon ng China at Taiwan ang adbokasiya ni Lai, ayon naman kay State Council Taiwan Affairs Office Chen Binhua.
“As the leading figure of the DPP authorities and current DPP chairman, Lai Ching-te cannot escape his responsibility for this (tensyon sa pagitan ng China at Taiwan),” wika ni Spokesperson Chen.
Binigyang-diin pa ni Chen ang One-China Policy, kung saan sakop ng naturang bansa ang Taiwan.
Samantala, sa January 13 gaganapin ang presidential at parliamentary elections sa Taiwan.
Photo courtesy from CNA.