Halos lahat ng mga kandidato ay iginiit ang kahalagahan nang debate ngayong papalapit na ang halalan sa darating na Mayo.
Sa presidential debate ng CNN, iginiit nina Ernesto Abella, Norberto Gonzales, Leody de Guzman, Senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, Faisal Mangondato, Mayor sko Moreno, at Vice President Leni Robredo na “napakahalaga” ng mga debate para malaman ng publiko ang plataporma ng mga tumatakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Pagkakataon na rin anila ito para masuri ng husto ng taumbayan ang kanilang mga hangarin, karakter at maging pagkatao.
Ito ay pagbibigay din anila nang galang sa mga botante, na siyang maghahalal sa kanila sa nalalapit na halalan.
Para sa kanila, tila job application nila ito para sa kanilang tinatakbuhang posisyon.
May mga nagsabi rin na patas ang laban ng lahat sa mga debate dahil lahat ng mga sasabihin nila ay magmumula sa kanilang pinag-aralan, karanasan, at layunin at hindi basta binulong lamang ng kung sino man.
Tanging si Dr Jose Montemayor Jr. lamang ang nagsabi na hindi mahalaga ang debate.
Hindi naman sumipot sa presidential debate na ito si dating senator Ferdinand Marcos Jr.