-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Patay ng dumating sa ospital sa Butuan City pasado alas-10:32 kagabi si Presidential Commissioner for the Urban Poor supervising commissioner for Visayas Paolo Guangco matapos itong biglaang mg-collapse sa loob ng kwarto ng kanyang hotel room.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mila pa sa iilang activities sa iba’t bang parte ng Caraga Region ang opisyal nitong nakalipas na mga araw at dito na sa Butuan City nag-relax nang ito ay mag-collapse.
Kaagad itong dinala sa MJ Santos Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Napag-alamang miyembro ng Sangguniang Bayan sa Pototan, Iloilo ang opisyal kungsan ito kasalukuyang nakatira.