Nasa P3 million at fully furnished na house and lot sa Zamboanga City ang ibinigay na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Sa courtesy call ni Diaz kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng video-conference, sinabi ng Punong Ehekutibo na maliban pa ito sa P10 milyong makukuha ng Pinay weightlifter mula sa pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Duterte, galing ang P3 million sa Office of the President (OP).
Inihayag ni Pangulong Duterte na nakakabilib ang karangalang iniuwi ni Diaz.
Dagdag ng Pangulo, sa pagkakataong ito, siya ang sumasaludo kay Diaz.
” As expected the nation is ecstatic about your achievement. your achievement is the achievement of the Philippine nation. We are extremely proud. We cannot express even in the words how we should really be shouting Halleliua. Pero salamat naman sa pagtiis mo. I hope that the years of toils, the years of disappointments, and the years na hindi maganda ang nangyari in the past, just forget them, you already have the gold. Gold is gold. And it would be good for you to just let bygones be bygones and dwell solely on your victory, together with your family and of course with the nation, ” ani Pangulong Duterte.
Kasabay nito, binigyan din ng Pangulo si Diaz ng Presidential Medal of Merit.
” Then, you will have the one of the highest of the nation’s presidential medals, the presidential merit, presidential medal of merit. It will be given to you I think here in appropriate ceremonies,” dagdag ni Pangulong Duterte.
Nagpasalamat naman si Diaz kay Pangulong Duterte.