Pinalibutan ng mga sundalo ang presidential palace ng Bolivia dahil sa tangkang kudeta laban sa pangulo.
Sinabi ni President Luis Arce na kinontrol na ni General Juan Jose Zuniga ang central La Paz at Murillo Square.
Nanawagan naman si dating president Evo Morales sa mga supporters nito na lumaban at harangan ang daan.
Naniniwala ito na naplano ng mga sundalo ang kanilang tangkang kudeta.
Dahil dito ay bantay sarado ng mga palasyo kung saan hindi sila nagpapapasok.
Mula ng magwagi si Morales noong 2005 ay siya ang unang pangulo na mula sa indigenous majority na nagdala ng radical programme na layon ay tugunan ang extreme social divisions at inequalities.
Taong 2019 ng ito ay nagbitiw sa puwesto matapos na i-bypass ang constitution at nagtangka para sa kaniyang ikaapat na termino.
Noong Oktubre 2020 ay nagwagi si Arce sa pagkapangulo at ibinalik ang Mas socialist party.