-- Advertisements --

Sa kabila ng pagbibigay kay former IloIlo Mayor Jed Patrick Mabilog ng presidential pardon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi pa rin aniya ito malaya mula sa mga legal liabilities ayon sa legal expert.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Noel Palomado, dating legal councel ng Commission on Audit (COA), na ang executive clemency na ibinigay kay Mabilog noong Enero 15, 2025, ay hindi sumasaklaw sa anumang kasalukuyang kaso na kinahaharap nito o mga posibleng kasong isasampa laban sa kanya sa hinaharap.

Ipinaliwanag pa ni Palomado na ang clemency ay para lamang tanggalin ang mga administrative penalties kay Mabilog.

Maaalalang binawi ang pardon kay Mabilog noong 2017 matapos ang rulling ng Ombudsman na i-disqualified ang dating mayor sa pagupo nito sa public office dahil sa kanyang pagkakasangkot sa mga kasong serious dishonesty at grave misconduct kaugnay ng umano’y ‘di maipaliwanag na yaman.

Dahil sa clemency, magiging kwalipikado na si Mabilog para sa pagtakbo sa mga public office o mag-aplay ng posisyon sa gobyerno.

Gayunpaman, patuloy pa ring kinahaharap ni Mabilog ang isang kasong graft sa Sandiganbayan kaugnay ng isang towing contract na diumano’y may bahagi siya at ang dating konsehal ng lungsod na si Plaridel Nava II.

Binigyang-diin ni Palomado na hindi saklaw ng presidential pardon ang kasong graft.