Tiniyak ni Presidential Security Command (PSC) Commander BGen. Jesus Nelson Morales na ligtas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nalalapit nitong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22,2024.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay BGen. Morales kaniyang sinabi na in-placed o nakalatag na ang kanilang security measures.
Nasa halos 1,500 PSC personnel ang ipapakalat sa loob at labas ng Batasang pambansa complex sa Quezon City.
Sinabi ni Morales wala naman silang binago sa security protocol na kanilang ipatutupad ngayong SONA 2024.
Aniya, nakahanda ang Presidential Security Command na tumugon sa ano mang mga posibleng eventualities.
Siniguro ni Morales sa mga Kababayan natin na ligtas ang Pangulo.
Tumanggi naman si Morales na magbigay ng komento kaugnay sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na itinalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Sa isinagawang Inter-Agency Coordination Committee meeting ngayong araw sa kamara, sinabi ni Morales na nasa 22,000 uniformed personnel ang idineploy para magbigay seguridad na pangungunahan ng Philippine National Police (PNP).