Nanumpa na rin si Presidential son at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos bilang bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang political party din ng kaniyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dating miyembro si Cong. Sandro Marcos ng Nacionalista Pary, na pinamumunuan ng negosyante at dating Senator Manny Villar.
Nanunumpa ang presidential son kasama ang iba pang bagong miyembro sa Malacanang sa isang maikling seremoniya.
Malugod na tinanggap naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na standard bearer ng partido noong 2022 elections ang mga bagong miyembro.
Sa talumpati ng Pangulo kaniyang pinuri ang malaking grupo na patuloy na nagtratrabaho para sa adbokasiya na mapabuti pa ang burukrasiya ng pamahalaan.
Una ng nabuo ang partido noong 2018 sa pamamagitan ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kaniyang adhikain na maisulong ang pederalismo sa bansa.