-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Sa kanyang official Facebook page sinabi ng alkalde na nahawa ang kanyang kapatid sa virus dahilan kaya nagpapahinga muna ito.
Ito rin umano ang dahilan na nagsagawa sila ng “online kamustahan” ng kanilang pamilya kung saan makikita sa video call sina Pangulong Rodrigo Duterte, ina nito na si Elizabeth Zimmerman at kanilang kapatid na si Davao City First District Rep. Paolo Duterte.
Una rito ilang mga opisina na rin ng lokal na pamahalaan ang isinailalim sa lockdown dahil sa kaso ng COVID-19 kung saan nauna na rito ang sanggunian panglungsod at Davao City Hall.