-- Advertisements --

DAVAO CITY – Binisita ng Presidential Son na si William Vincent “Vinny” Marcos ang probinsya ng Davao Oriental partikular na ang Dahican beach at iba pang baybayin sa lalawigan na potential sa surfing.

Nakipagkita rin si Vinny kay Mati City Mayor Michelle Nakpil Rabat, na nasurpresa sa biglaang pagbisita ng Presidential Son.

Kasama ni Vinny sa kanyang pagbisita ang mga myembro ng Mati Watersports Association at Surfers Club na isa umano sa mga nag organisa ng surfing event sa Siargao Island, Surigao del Norte.

Ayon kay Mati City Informational Officer Ben Tesiorna, plano ng Presidential Son na magsagawa ng surfing event partikular na sa Dahican beach.

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan na maisakatuparan ang naturang plano lalo pa’t malaking tulong ito sa turismo at ekonomiya ng probinsya.