Tuluyang sinibak sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinuno ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Sa isang pahinang liham kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na miyembro rin ng task force, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin na napaso na ang termino ni Gutierrez.
Batay pa rin sa sulat ni Bersamin, na may petsang Setyembre 12, 2024, pero ngayon lamang isinapubliko ng Malacanang, ang ‘expiration of tenure’ ni Gutierrez ay epektibo sa lalong madaling panahon.
Maaalalang itinalaga ni Pangulong Marcos si Gutierrez bilang hepe ng PTFoMs noong May 2023.
Bago ito, nakaladkad ang pangalan ni Gutierrez sa unang pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ukol sa isang shipment na kinikwestyon ng mga mambabatas.
Wala pa namang pahayag ang dating opisyal hinggil sa pagkakaa-lis niya sa naturang tanggapan.