-- Advertisements --

Kinumpirma ni Executive Sec. Salvador Medialdea na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential assistant Wendel Avisado bilang bagong Department of Budget and Management (DBM) secretary.

Si Atty. Avisado ang papalit kay DBM Officer-in-Charge Janet Abuel na pansamantalang itinalaga ni Pangulong Duterte matapos ilipat si Sec. Benjamin Diokno bilang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor.

Bago nito, si Avisado ay nagsilbing pointman ni Pangulong Duterte sa resettlement ng mga pamilyang nabiktima ng bagyong Yolanda noong 2013.

Dati itong Davao City administrator mula 2004 hanggang 2010 kung saan mayor pa ng lungsod si Duterte.

Siya rin ang national president ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) kapalit ni Vice President Jejomar Binay matapos ang 18 taon nitong pamumuno.

Si Avisado ay nagsilbi ring assistant secretary ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na hinawakan din noon ni Binay.