-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Inamin ni Sen. Manny “Pacman” Pacquiao na siya ay nag-under vote sa kanyang ipinasok na balota sa vote counting machine.

Bago mag-tanghali kanina nang bumoto ang presidential aspirant sa Kiamba Central Elementary School sa Sarangani.

Nagpaunlak pa siya sa panayam ng ilang media kung saan kanyang inihayag na 10 lamang na senador ang kanyang ibinoto na nagmula pa sa iba’t ibang partido.

Nabatid na hindi nagtagal sa pila si Pacquiao dahil pinagbigyan siya ng mga residente na mapadali ang pagpasok sa presinto para makaboto.

Wala naman nabanggit ang senador kung magpapahinga ba muna ito sa kanyang rest house sa Poblacion, Kiamba.

Kapansin-pansin na hindi kasama ni Pacman ang kanyang maybahay na si Jinkee sa ibang paaralan nakarehistro.