-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Personal na binisita ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang lalawigan ng Catanduanes upang magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektohan ng Bagyong rolly.

Dala ni Inday Sarah ang aabot sa P1.5 milyon na halaga ng tulong na agad nitong ipinamahagi sa mga nangangailangan.

Nangako rin ang Presidential daughter na ipapaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng mga residente sa lugar.

Kasama rin sa ihihingi nito sa pangulo ang iba pang mga kinakailangang tulong ng mga residente.

Samantala bumisita rin maging si DPWH Sec. Mark Villar sa bayan ng Guinobatan na isa rin sa labis na naapektohan ng bagyo para mamigay ng mga relief goods.