-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Biglang nagkagulo sa loob ng selda nang matagpuan na lamang na wala nang malay at duguan ang isang preso matapos na nilaslas nito ng blade ang kanyang leeg.

Sa impormasyon nakalap ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni P/Lt. Col. Teody Condeza, tagapagsalita ng Sarangani Provincial Police Office (SPPO) na sa pagamutan na binawian ng buhay ang nagpangalang Islao Aragon, 52 taong gulang na residente ng Libi, Malapatan Sarangani Province.

Ayon rito, walang kamalay-malay ang iba pang preso sa Malapatan Police Station ng nagpakamatay si Aragon kayat nagsisigawan ang mga ito nang makita ang duguan nitong leeg.

Nalaman na nahaharap sa kasong rape ang nagpakamtay na preso.

Dahil sa pangyayari, naghigpit ang naturang police station sa mga kamag-anak na dadalaw sa kada bilanggo.