-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay na nang madiskubre sa loob ng piitan sa Kidapawan City PNP ang isang bilanggo.

Nakilala ang biktima na si Jamel Fuerte, 47, binata at nakatira sa Brgy Singao, Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City chief of police, Lt. Col. Rammel Hojilla, na tie-box ang ginamit ni Fuerte sa pagpapatiwakal na itinali sa kanyang leeg.

Nabatid na si Fuerte ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Act of Lasciviousness.

Bago kinitil ng biktima ang kanyang buhay ay napapansin ito ng mga pulis na matamlay at minsan lang bisitahin ng kanyang pamilya.

Wala namang nakitang foul play ang mga otoridad sa kanilang imbestigasyon sa pagbigti ng binata.